Friday, April 24, 2009

Summer Kamo?

Ola mga amiga.

Know kes na mashugal na after my last entrilalala. Truly, majirap gu-met ng tamang inspirasyon para sa blog na itel.

Pero itel na. Ang pang-tres na entrilalala.

Nung jisang linggo suuuuufer jinet. As in. Kakalerkey ang jinit. Shopos, after two or three days, mega Julanis Morrisette. Imberna.

Nakaready na ang summer maxi dress and an suuuufer fabulosang wedge heels. But nang magstart bumaha na parang wala nang tomorrow e umagos and pangarap na maging benga ngayon "Summer" season. Olay talaga.

Well, of course bet natin na laging fresh ang dating, kaya keri lang. Kahit alang tan e perfect ang moments para sa mga pictorial. Mga "freshness guaranteed" na pictureska para sa pinagpupuyatan ng Fezbukelya at Frensteraka.

Ang mga options para sa magandang photo-op:

1. Tumayo sa gitna ng baha. Siguraduhing malinis ang tubig. Mahirap nang magkaroon ng leptospirosis. Sa mga wa know ang jibig sabihin nitel - magresearch sa GUGEL. May time para sa Social Networking pero was health awareness? Lerkey.

2. Magdala ng payong. Minsan magandang magstay dry kahit na sobrang wet ng feeling. Lalo na kung may 18 lock in cores. Malaya kang gumalaw!

3. Ang"Wind Effect" ay laging tinuturo ni Ate Tyra. Sa pamamagitan ng malakas na hanging amihan, wit na kelangan pang magspend ng libo libong andalucia para magkaroon ng hitets na jilektrik fan.

4. Wag hahayaang mabasa ang jijital camera. Lalo na kung hindi sa iyo.

Ayan, sa pagsunod sa mga simpleng rules and regulations na ito, siguradong FIKTYUR ferfek ang eksena.

Tandaan, ang kagandahan ay walang pinipiling panahon. Majinit man o Jumujulanis, dapat EFEK pa rin.

O siya, sana naman masundan agad ang entrilala ng itel. Kung medyo mashushugalan, at maglalakbay aral ang lola ninyo, e iiwanan ko muna kayo ng isang NAPAKAkorning joke mula sa baul ng nyelfunel.


Driver: Pakitingin naman sa likod para alam ko kung kailangan kong kumaliwa or kumanan
Ngongo: Ngo Ngige. Angong Baala.
Ngongo: Nginge ma. Aniwa, aniwa.
Driver: (Kumaliwa)
Ngongo: O Anan, anan.
Driver: (Kumanan)
Ngongo: ANAN!ANAN!
Driver:(Kumaliwa pa)
Ngongo: ANAN!!!!!!!!!!!!
Jeep: BOG.
Driver: Ano ba yan, akala ko ba titignan mo ang dadaanan ko?
Ngongo: Nanga nga ma? Abi ngo ANAN, naanan ng umig. Ango ma ngayon ang ninisi mo.

Manginig kayo sa kacornihan.

Friday, January 30, 2009

Yaya Ba Ang Hanap Mo?

Aloha.

So nabalitaan kong may bagong boylet ang isa sa aking pinakamamahal na friendship. At nung aking tanungin kung nagkemehan na sila, ang sagot ni bakla, "Wit pa."

Aba, natural, dahil napagdaanan ko na ang mga tsismis na ganyan, pinayuhan ko ang aking friendship na wag munang makipagkeme at magpaka Mike Enriquez muna. IMBESTIGADOR ang drama, at siguraduhin wag niyang tatantanan hangga't wala siyang sagot sa mga katanungan. Aba malamang may listahan ako ng mga tanong na dapat tanungin divine?


1. May nyowa ba ites?


Ang Sagot: Meron. Murat. At Dyusawa na niya ites. Ngunit, Subalit, Datapwat, jiwalay na daw ang shulawa kaya keri lang na makipagladjutan.


2. May dyunakis na ba ang lulur?


Ang Sagot: Meron. Murat. Shulawa. Kalerkey. Syemps malamang ang lola mes e gagawing housewife pag nagkataong nagkatuluyan sila divine?


3. Naghahanap ba siya ng "panghabambuhay" or gagawin bang KATIALIS ang friendship kes?


Ang Sagot: Mukhang bet ng lulur na gawing panghabambuhay ang friendship kes. In fairness, nakakatuwa ha. Sa totoo lang matagal na kaming naghahanap ng lulur na makakasama naming for life. Ang nagaganap, hangga't may anda, andiyan sila. Pag wa nang Asia, wa nang papi. At kung pangtanggal kati lang naman ang hanap nila, why not, divine?


4. Ilang taon na ang lulur?


Ang Sagot: Let us just put it in this way mare, siya na ang pinakamatandang lulur sa listahan ng mga lulur ni friendship. Pero tulad nga ng sinasabi ng marami, "the wine is better when it is older."


Nagkataon, lalake ang pinaguusapan natin, hindi wine.


So yon. Dahil sa listahan, nalaman namin na pwede pa naman pala ang lulur. Yun nga lang, napagisip isip ng friendship ko na wa na ikeri over ang relationship to the next level pagkashopos nilang magkeme dahil wa niya bet magpaka"MOTHER".


Aba inay, pagkatapos ninyong magkeme, malamang Mother image ka na, tinanong ka na nga niya kung marunong kang magluto e.


ANO KA, YAYA?

Thursday, January 29, 2009

Kumekemeng Kabuhayan

Ola.

Ito ang Kumekemeng Kabuhayan. Napagtanto ko kasi na bilang isang bakla dapat may paraan para mailabas ko ang pagiging makulay ng aking buhay. Kahit na hindi ako mahilig sa ginisang gulay.

May blog ako para sa mga hinanakit ng aking puso. May blog ako para sa aking "passion for fashion." Siyempre unfair kung kulang ang listahan. Kung baka, hindi pwedeng isa lang ang DVD mo sa bahay. Dapat marami. Mas marami, mas happy. Charing.

Ewan ko na lang kung ano ang sasabihin ng nanay at tatay ko pag nabasa nila ang blog na to.

Anyhoo, marami akong kwento sa blog na ito kaya wait na lang ang see sa mga susunod na kabanata.

Malamang matuwa ako sa blog na ito, makalimutan kong may ibang blog pa pala ako, divine?

Bago ako umalis, eto ang isa sa mga paborito kong joke ngayon na nagkakalat sa Text Messages:





ANG ALAMAT ng SAYOTE


Bakla 1: Kanino ito?

Bakla 2: Sa yo, 'te.





LOL. Manginig ka sa kacornihan.